adfly

adfly
click me

Thursday, November 7, 2013

Magkasama Tayo sa Kwento ng Pasko (ABS-CBN Christmas Station ID Theme Song 2013)

 Magkasama Tayo sa Kwento ng Pasko


(lyrics)



Bawat Pasko'y may dalang himala
Malakas mang ulan, ito'y titila
Bubuhos ang pagpapala
May kapiling ang nangungulila

Anumang lungkot, tayo'y aahon
May lunas sa sugat ng kahapon
Sa isa't isa'y mayrong paglingap
Mga pangarap, ngayo'y magaganap

Refrain:
Laging masaya ang kwento ng Pasko
Dahil sino ka man, may nagmamahal sa'yo
Ngayong Kapaskuhan ang pangako ko
Sa puso ko'y magkasama tayo

Chorus:
Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko't sa iyo
Sa 'ting himig, ipagdiriwang ang pag-ibig
At ito ay tatawid sa buong daigdig

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko't sa iyo
Sa 'ting himig, nadarama na ang mahalaga
Ay magkasama tayo sa kwento ng Pasko

wo-oh wo-oh-oh
wo-oh wo-oh-oh
Kwento ng Pasko


Mga ala-ala sa Pasko'y di kumukupas
Ilang taon pa man ang lumipas
Dahil ang bawat damdamin
Umuukit nang malalim

Marangya man ang pagdiriwang
Kahit simpleng kasiyahan
Ang tunay na may kayamanan
Pamilyang nagmamahalan

Refrain:
Laging masaya ang kwento ng Pasko
Dahil sino ka man, may nagmamahal sa'yo
Ngayong Kapaskuhan ang pangako ko
Sa puso ko'y magkasama tayo

Chorus:
Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko't sa iyo
Sa 'ting himig, ipagdiriwang ang pag-ibig
At ito ay tatawid sa buong daigdig

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko't sa iyo
Sa 'ting himig, nadarama na ang mahalaga
Ay magkasama tayo sa kwento ng Pasko

Bridge:
Magbago man lahat sa mundo
Nananatili ang diwa ng Pasko
Ang pagpapala ay hindi mauubos
Himala ng Pasko ay hiwaga ng Diyos


Chorus:
Sa iisang awit ngayong Pasko
(iisang awit - Sarah G.)
Magkayakap ang tinig ko't sa iyo
(magkayakap ang tinig ko't sa'yo - Bamboo)
Sa 'ting himig, ipagdiriwang ang pag-ibig
At ito ay tatawid sa buong daigdig

Sa iisang awit ngayong Pasko
(ngayong pasko - Bamboo)
Magkayakap ang tinig ko't sa iyo
(ikaw at ako - Sarah G.)
Sa 'ting himig, nadarama na ang mahalaga
Ay magkasama tayo sa kwento ng Pasko

Sa iisang awit ngayong Pasko
(sa kwento ng pasko, oh oh oh)
Magkayakap ang tinig ko't sa iyo
Sa 'ting himig, nadarama na ang mahalaga
Nasaan man sa mundo, magkasama tayo
Nasaan man sa mundo, magkasama tayo
Sa kwento ng Pasko


Chorus:
(Repeat 3x)

Sa iisang awit ngayong Pasko
(ooowoh...)
Magkayakap ang tinig ko't sa iyo
Sa 'ting himig, (yehey)...ipagdiriwang ang pag-ibig
(ipagdiriwang ang pag-ibig)
At ito ay tatawid sa buong daigdig
(sa buong daigdig)

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko't sa iyo
Sa 'ting himig, nadarama na ang mahalaga, 
(yeah hey)
Ay magkasama tayo sa kwento ng Pasko
(magkasama tayo - Lea Salonga)
(magkasama, magkasama - Sarah G.)

Isang kwento
Iisang kwento
Kwento ng Pasko





No comments: